Matira matibay

Matira matibay

Russell Cadayona (Pang-masa) - November 29, 2020 - 12:00am

Ginebra vs TNT Tropang Giga

MANILA, Philippines — Aminado si Barangay Ginebra head coach Tim Cone na dehado sila sa TNT Tropang Giga sa kanilang best-of-seven championship series.

Ito ay dahil na rin sa malakas na opensa ng Tropang Giga sa likod nina Ray Ray Parks, Jr., RR Pogoy, Jayson Castro at Troy Rosario bukod pa kina 6-foot-8 Poy Erram at guard Simon Enciso.

“I think we’ll go in as slight underdogs, as opposed to this series where we were a little bit favored,” wika ni Cone sa kanyang Gin Kings na babanderahan nina Stanley Pringle, LA Tenorio, Japeth Aguilar, Jared Dillinger at Scottie Thompson. “Talk ‘N Text is going to be really hard.”

Magtutuos ang Ginebra at TNT ngayong alas-6 ng gabi sa Game One ng 2020 PBA Philippine Cup Finals sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

Tinakasan ng Gin Kings ang Meralco Bolts, 83-80, matapos isalpak ni Thompson ang game-winning three-point shot, habang sinibak ng Tropang Giga ang Phoenix Fuel Masters, 91-81, sa Game Five ng kani-kanilang best-of-five semifinals series noong Biyernes.

Sinabi ni Parks na hindi nila sasayangin ang pagkakataong makapasok sa PBA Finals.

“We sacrificed two months, being away from our families. Let’s dedicate this to them, play our best,” wika ng anak ni seven-time PBA Best Import Bobby Parks. “It’s not easy being away from the family, it’s not easy playing in the bubble. But we’ve made it to the finals, it’s up to us to finish it.”

Ito ang pang-27 PBA Finals apperance ng Ginebra at hangad ang kanilang ika-13 titulo, samantalang umabante ang TNT sa ika-20 championship stint at tinatarget ang pang-walong titulo.

Maghaharap ang Gin Kings at Tropang Giga sa isang titular showdown matapos noong 2011 Commissioner’s Cup na napanalunan ng PLDT franchise.

Nanaig naman ang Ginebra sa kanilang hu-ling bakbakan sa isang All-Filipino conference noong 2004-2005 season.

 

BOBBY RAY PARKS JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with