^

PM Sports

Maraming nadale sa Week 1 ng PBA bubble

John Bryan Ulanday - Pang-masa

CLARK, Philippines – Matindi ang labanan sa unang linggo ng 2020 PBA Philippine Cup restart sa loob ng bubble dito na nagbunga ng injuries ng ilang players.

Pinakamasakit ang injury nina Kevin Racal (ACL) ng Alaska at Terrence Romeo ng (dislocated right shoulder) ng San Miguel na parehong ‘di na makakalaro sa natitirang bahagi ng 45th Season reboot dito.

Umalis na sa bubble si Romeo upang tuluyang magpagaling sa Maynila habang nananatili pansa-mantala si Kevin Racal habang hinihintay ang pormal na abiso ni Dr. George Canlas tungkol sa kanyang season-ending injury.

May minor injuries naman sina Jericho Cruz (ankle sprain) ng NLEX, Roger Pogoy (ankle sprain) at Kib Montalbo (plantar fasciitis) ng TNT Tropang Giga matapos ang solidong laro sa Week 1 ng PBA bubble.

Binisita ni PBA Commissioner Willie Marcial ang mga injured players sa kani-kanilang kuwarto sa Quest Hotel upang kumustahin ang kanilang kalagayan habang sinusunod ang health protocols.

Nagpapagaling din ng hamstring injury si Alex Mallari sa loob ng bubble bago maglaro sa kanyang unang game para sa Phoenix habang ‘di pa makatodo sa kanyang PBA debut ang Blackwater big man na si Maurice Shaw (back spasms).

Samantala, bagama’t naglalaro sa limitadong minuto ay nagpapakondisyon pa rin sina Japeth Aguilar at LA Tenorio ng Ginebra matapos ma-late ng pagpasok sa bubble gayundin si Maverick Ahanmisi na inaasahang puwede nang sumalang sa laban ng Aces kontra sa Blackwater sa Martes matapos makumpleto ang mandatory swab test at 2-day quarantine.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with