Davao, Makati humirit ng Game 3
(Pang-masa) - March 13, 2020 - 12:00am

Lamitan City, Philippines — Rumesbak ang Davao Occi­dental Tigers at Makati Super Crunch para ipu­wer­sa ang Game Three sa kani-kanilang division fi­nals sa Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season.

Binalikan ng Tigers ang Basilan Steel, 81-76, sa Game Two para itabla sa 1-1 ang kanilang South title series noong Miyer­kules ng gabi sa Lamitan City Gymnasium.

Tinakasan naman ng Super Crunch ang San Juan Knights, 91-88, pa­ra sa 1-1 pagkakatabla sa kanilang North titular showdown sa San Juan City.

Nakatakda ang Game Three ng parehong serye bu­kas.

Ang triple ni Billy Rob­les ang nagbigay sa Da­vao ng 77-74 abante kasunod ang basket ni Allyn Bulanadi para idikit ang Basilan sa 76-77.

Tumipa si Bonbon Cus­todio ng banked shot para muling ilayo ang Tigers sa 79-76, habang kapos naman ang ibinatong tres ni Bulanadi sa panig ng Steel.

Isinalpak ni Mark Yee ang dalawa niyang free throws para selyuhan ang panalo ng Davao.

Nagtala si Eman Calo ng 17 points, 8 rebounds, 3 assists at 3 steals para pa­munuan ang Davao at may 14 markers si Ri­chard Albo.

Humataw naman si Bu­lanadi ng 24 points, 6 rebounds at 4 assists sa panig ng Basilan kasunod ang 21 markers ni Jay Collado.

Samantala, bumangon naman ang Knights mula sa 10-point deficit sa likod nina Jhonard Clarito, Art Aquino, Orlan Wamar at CJ Isit para idikit ang laro sa 87-89 sa huling 20 segundo ng fourth period.

Ngunit nagsalpak si Jo­seph Sedurifa ng dalawang free throws para ila­yo ang Super Crunch sa 91-87.

Nakahugot ang Ma­ka­ti ng 20 points kay Jeckster Apinan.

MAKATI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with