17th NPJAI Jockeys’ event pakakawalan sa Marso 21 at 22
Nilda Moreno (Pang-masa) - March 10, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isa sa inaabangan ng mga karerista ngayong buwan ay ang pagdaraos ng 17th NPJAI Jockeys’ Day events na gaganapin sa Marso 21 at 22 sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Itatampok sa nasabing event ang pagpapakawala sa 6th Jockeys’ Foot Race at 3rd Kids’ Foot Race na inisponsoran ng Philippine Racing Commission, (Philracom) at Philippine Racing Club Inc. (PRCI).

Wala pang kabayong nagdeklara ng pagsali sa nasabing karera pero tiyak nang lalahok ang mga stakes race campaigners sa naturang prestihiyosong event.

Noong nakaraang taon ay nagwagi ang Apollo Of Aquila sa NPJAI Trophy Race na pinasibat sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Nirendahan ni class A rider Mark Angelo Alvarez, magaan na nakuha ng Apollo Of Aquila ang panalo.

Inilista ng Apollo Of Aquila ang oras na 1:33 minuto sa distansyang 1,400 metro.

Samantala, bago ilar­ga ang mga nabanggit na karera ay pakakawalan muna ang Philracom “Three-Year-Old Maiden Stakes Race at 13th Manila HorsePower Cup (Imported/Local Invitational Race) na parehong pasisibatin sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite sa LInggo.

Nais mapanood ng mga karerista ang muling pagsalang ng super horse na Bugle Notes sa pista.

Kasali ang Bugle Notes sa 13th Manila HorsePower Cup (Imported/Local Invitational Race) kung saan ang prem­yo para sa mananalong kabayo ay P500,000.

May distanyang 2,000 metro, ang iba pang kasali sa karera ay ang Certain To Win, Murika at ang Boss Emong, ang second leg winner ng 2019 Triple Crown Series.

Nagpahayag din ng pagsali ang Ack, Boxmeer, Chancetheracer, Christmas Sky, Goldsmith, Lakan, Lucky Vist at Metamorphosis sa karerang inaasahang dudumugin ng baying karerista.

17TH NPJAI JOCKEYS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with