^

PM Sports

PBA ceiling nabawasan

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Maaaring magbago ang takbo ng laro sa PBA sa parating na season dahil malamang na mag-adjust o mag-design ng bagong schemes ang maraming ko­ponan sa pagkawala ng mga higanteng sina June Mar Fajardo at Greg Slaughter.

Isama na rin sa listahan si Yancy de Ocampo, ang maaaring absence pa rin ni Raymond Almazan at ang padalang na padalang na laro ni Asi Taulava.

Liliit ang size ng maraming koponan na malamang na magbago ng istilo ng laro ng PBA.

At ang pagkatapyas ng ceiling ng San Miguel at Barangay Ginebra ay maaaring magbigay daan sa mas balanseng kumpetisyon sa liga. Ibig sabihin ay hindi mawawala ang excitement o baka nga mas maging exciting pa ang bakbakan.

Iba ang kuwento kung sakaling mahilot ni coach Tim Cone si Slaughter na magbago ng desisyon na magpahinga na muna sa laro.

Sa paghihiwalay pa lamang pala nila pagkatapos ang kanilang Governors Cup championship cele­bration, napag-usapan na ni Cone at Slaughter ang ba­lak ng manlalaro.

“I hope to discuss it further in the next couple of days,” ani Cone. “Obviously, his absence in the all-Filipino would be a big blow to the team and his teammates.”

*****

Tuluyan naman nang mami-miss si De Ocampo dahil nagretiro na siya pagkatapos ng dalawang de­kadang PBA career.

Itinabi na niya ang kanyang playing shoes bago pu­malo ng edad na 40-anyos sa March 11.

Ang No. 1 draft selection noong 2002 ay hindi na­mayagpag na franchise player pero nagamit ang kanyang taas na 6-foot-9 upang maging core member ng 12 champion teams.

Pinakamahabang panahon ang inilagi niya sa San Miguel Beer (2015-2020) kung saan nagsilbi siyang option na reliever kay Fajardo.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with