^

PM Sports

Mighty Sports humahataw sa Dubai

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Humataw sina naturalized player Andrei Blatche at mga imports na sina Ronaldo Balkman, Mckenzie Moore at Jalen Kendricks para tulungan ang Mighty Sports sa 77-72 paggupo sa Al Itthihad of Allepo ng Syria sa 2020 Dubai International Basketball Tournament noong nakaraang Sabado. 

Ipinoste ng Mighty Sports ang 2-0 record para manguna sa team standings.

Nauna nang pinataob ng Mighty Sports ang United Arab Emirates national team, 88-82, noong nakaraang Biyernes.

“Nakakagulat ang sobrang init na pagtanggap ng mga Pinoy fans sa Dubai, bu­kod sa likas na galing ng ating mga manlalaro, ang kanilang mga sigaw at palak­pakan talaga ang isang dahilan ng ating dalawang sunod na panalo,” ani Bong Cuevas ng Creative Pacific Group na siyang major sponsor ng Mighty Sports.

Ayon pa kay Cuevas, nagmistulang nasa homecourt ng Mighty Sports ang venue dahil sa lakas ng hiya­wan ng mga Pinoy kaya inspirado ang mga players.

Nakatakdang labanan ng Mighty Sports bukas ang ES Rades ng Tunisia.

Sina Blatche, Balkman, Moore at Kendricks ang muling gigiya para sa Mighty Sports na hangad maitayo ang 3-0 kartada sa torneo.

Nais ding itampok ng Mighty Sports ang mga batang manlalaro ng Pilipinas para mahasa ang kanilang husay.

Ang mga ito ay sina Juan at Javi Gomez De Liaño mula sa UP Fighting Maroons, Thirdy Ravena at Isaac Go ng Ateneo Blue Eagles, MPBL MVP Gab Banal, Dave Ildefonso ng NU Bulldogs, Fil-Am Jaime Malonzo at sina PBA veterans Beau Belga at Joseph Yeo.

vuukle comment

MIGHTY SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with