Fran Yu
Fran Yu may pinatunayan
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - November 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naging tampulan man ng tukso at pamamahiya ng ilang tao sa social media, pinatunayan ni Letran Knights wingman Fran Yu na hindi makikita sa hitsura ang pagiging magaling na basketbolista.

Taong 2015 ng kumalat online ang larawan ni Yu habang naglalaro pa ito sa UAAP sa ilalim pa ng University of the East (UE) Red Warriors kung saan may caption pa ito na “At saang kanto naman napulot ng UE ang player nilang ito?” at sinagot naman ng isang kaibigan nito “Namamasada ‘yan, nag-break lang”.

Inamin ng dating Chiang Kai Shek stalwart at Pa-larong Pambansa MVP na nasaktan siya nang makita niya ito pero imbes na panghinaan ng loob ay ginawa niya itong motibasyon.

“Dati, ‘di ako makatulog. Wala namang akong ginawa sa kanila tapos gaganunin nila ako,” ani Yu. “Naging motivation ko ‘yung post na ‘yun. Gusto kong i-prove na balewala ang hitsura mo ‘pag naglalaro ka ng basketball.”

Matapos ang apat na taon, pinatahimik ng 21-year old baller ang kanyang bashers nang maging isa sa mga instrumento ng Letran Knights na dagitin ang matamis nitong kampeonato sa season 95 ng NCAA men’s basketball.

Dagdag pa ni Yu, mas masarap aniya sa pakiramdaman na nabawian niya ang mga ito sa pamamagitan ng pagkopo nito sa championship crown.

Bukod sa kampeonato ay nahirang din na Most Improved Player of the Year at Finals Most Valuable Player (MVP) si Yu matapos nitong mag-average ng 13.7 points, 6.0 assists, 3.3 rebounds at 2.0 steals sa finale series na ito.

“Hi, I’m Fran Yu and we are champions. Mas masarap ibalik ‘yung paninira niya at ito, nagbunga dahil nag-champion kami,” dagdag nito. 

FRAN YU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with