Phl soft tennis team sasabak sa Taiwan
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - September 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ilang buwan bago ang 30th Southeast Asian (SEA) Games, nais ng Philippine National Soft Tennis team na palakasin ang kanilang  skills sa pagsabak sa isang torneo  sa Taipei, Taiwan.

Makikipagtagisan ang mga pambato ng Pinas sa 2019 Taiwan Fonglin Cup Soft Tennis Tournament na hahampas ngayong araw hanggang sa Setyembre 22.

Katatampukan ng apat na bansa sa Asya na tinuturing na powerhouse pagdating sa sports na ito ang torneo sa pangunguna ng host country na Taiwan, South Korea, Japan at Thailand.

“Talagang aim namin is to produce ‘yung skill base nila na pinag-aralan [nila] for the past few months saka nakuha nila sa ilang past tournament,” ani national team coach Divine Escala. “Hopefully ma-enhance pa ‘yung soft tennis skills nila with this tournament.”

May pitong taon na ang nakaraan nang huling lumaban sa Taiwan ang national team sa 7th Asian Championships kung saan nakapag-uwi sila ng isang pilak at limang tansong medalya.

Bukod sa torneo, sasailalim din sa limang araw na training camp ang koponan kasama ang isang Chinese Taipei team sa pangunguna ng isang Taiwanese coach bilang paghahanda sa SEA Games.

“Hopefully ‘yung countering, kung paano nila maka-counter ‘yung slides nung Taipei and one magkaroon din sila ng weapon na slide rin doon sa training for five days,” panapos ni Escala.

SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with