^

PM Sports

Lady Jet Spikers diretso sa ika-3 sunod na panalo

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
Lady Jet Spikers diretso sa ika-3 sunod na panalo
Binutata ni Michele Gumabao ng Creamline si Maria Nieeza Viray ng Chef’s Classic.
PM photo ni Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Balik ang kumpiyan­sa ng Philippine Air Force nang pahabain ang kanilang winning streak sa tatlo matapos walisin ang PacificTown-Army, 25-22, 25-21, 25-19, sa Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Umariba na sa leader board ang Lady Jet Spi­kers at nasikwat nito ang ikaanim na puwesto bitbit ang 3-5 kartada.

Tumapos na may 20 points mula sa 17 attacks at 3 blocks si ve­teran middle blocker Dell Palomata para pa­­ngunahan ang tropa ka­tuwang sina Judy Caballejo at May Ann Pantino na may tig-siyam na marka.

“Sana magtuluy-tuloy pa para makapasok ka­­mi sa top four. Iyon naman ang aim ng team makapasok muna sa top four and then another plan na naman pagda­ting doon,” sabi ni head coach Jasper Jimenez. “Sobrang proud ako do­on sa inilaro namin dahil dati namang gi­na­gawa ta­pos nawala ‘yung kum­piyansa pero ayun bumalik.”

Sa first at second set pa lamang ay trinabaho na nang husto ng Philippine Air Force ang laro sa pag-alagwa nina Pa­lomata at Pantino para aga­rang kontrolin ito at nakawin ang 2-0 benta­he.

Lalong dinomina ng La­dy Jet Spikers ang third set nang pinoste ang 10-0 atake para sa 21-11 bentahe sa likod ng mga quick attacks ni Palomata at aces ni Abegail Nuval.

Pero gumawa rin ng sariling ratsada ang La­dy Troopers at naibaba sa 17-21 ang hinahabol ngunit hindi ito sapat.

Sa unang laro, wina­lis ng Creamline ang Chef’s Classics para da­gitin ang pang-siyam na sunod na panalo sa liga, 25-11, 25-14, 25-21.

Lalong lumakas ang kapit ng Cool Smashers  sa li­derato sa bit­bit na 9-0 record.

Sa Collegiate Confe­rence, tinalo ng Adam­son Lady Falcons ang Letran Lady Knights, 25-13, 25-23, 25-13, ha­bang pinabagsak naman ng UST Gol­den Tigres­ses ang Arellano Lady Chiefs, 25-21, 25-23, 22-25, 25-23.

Pinadapa naman ng San Beda Lady Red Spi­kers ang San Se­bastian Lady Stags, 25-22, 25-16, 25-18.

 

vuukle comment

LADY JET SPIKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with