Zamboanga wagi sa Pasay
(Pang-masa) - July 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isa na namang come-from-behind win ang itinala ng Zamboanga matapos makaba­ngon mula sa 12-point de­ficit sa huling tatlong mi­nuto para talunin ang Pasay Voyagers, 83-82, sa MPBL Lakan Season kamakalawa ng gabi dito sa Alonte Sports Center.

Nakahugot ang Zamboanga ng magandang la­­ro mula kay Ryan Coste­lo para punan ang hindi pag­lalaro nina key pla­yers Ha­rold Arboleda at Jo­seph Nalos.

Pinamunuan ni Costelo ang pinakawalang 12-2 atake ng Zamboanga sa huling tatlong minuto ng fourth period para balikan ang Pasay.

Isang short jumper ang isinalpak ni Coste­lo sa natitirang 16 segun­do para selyuhan ang ta­gumpay ng Zamboanga laban sa Voyagers na na­bi­go sa kanilang huling po­­sesyon matapos ang min­­tis na jumper ni Jan Ja­­mon.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Zamboanga na nagta­as sa baraha nila sa 3-3.

Samantala, sumandal naman ang Biñan City Krah-Heroes sa mahusay na shooting ni Macky Acosta, kumonekta ng anim na three-point shots, para talunin ang Basilan Steel, 94-78, at pi­naluhod ng Manila Stars ang Pampanga Giant Lan­terns sa bisa ng 92-76 panalo.

ZAMBOANGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with