Sweep ng F2 Logistics
(Pang-masa) - July 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Winalis ng F2 Logistics Cargo Movers ang first round eliminations ng 2019 Philippine Superliga All-Filipino Conference nang padapain nila ang Marinerang Pilipina Lady Skippers, 25-7, 25-9, 25-19 kahapon sa Muntinlupa Sports Center.

Naiposte rin ng Cargo Movers ni coach Ramil de Jesus ang ikapitong sunod nitong panalo sa torneo at napanatili nito ang unang puwesto sa standings hawak ang 7-0 na baraha.

Muling humalimaw si Filipino-Hawaiin hitter Kalei Mau na tumapos ng 12 puntos, sa likod ng 10 attacks at dalawang aces, habang si Michelle Cobb naman ay may 10 excellents at dalawang puntos

“I think it’s no secret, I think we really some have great defense – probably the best in the league – if you had to ask me. I think having people you trust back there, in the back row, it definitely sets up the offense, so that you can have a strong and ba-lance defense,” ani Mau. “I’m hundred percent settle to (F2).”

Para naman kay Cobb, hindi aniya kaila-ngan maging kumpiyansa ang tropa kahit maganda ang tinatakbo nila sa torneo ngayon at kailangan pa nilang mag-improve kada laro na sinasalangan nila.

“I think every conference is a process, every conference you’re awaiting to peak palang, I guess the first round is coming to a close palang , we still a lot to improve on (like) our connection and flui­dity inside the court,” sabi ni Cobb.

Agarang pinakita na ng F2 Logistics kung bakit sila ang nangu­nguna sa torneo ngayon ng madalian nilang nanakaw ang unang dalawang set at limitahan sa 16 na pinagsamang puntos ang Marinerang Pilipina.

Hindi gaya ng unang dalawang sets, nakasabay na ang Lady Skippers sa Cargo Movers at na nagawa nitong maitabla sa 17 ang laro sa pag-ariba ni Chiara Permentilla at Judith Abil pero mu­ling nagising ang F2 at tuluyan nang sungkitin ang panalo

Pinamalas din ng Cargo Movers ang kanilang dominasyon sa laro ng hindi man lang nito hinayaan na makasagot ng kahit na isang set ang naghihikahos pa rin na Lady Skippers.

Nanguna naman para sa Marinerang Pilipina si Permentilla na may siyam na puntos , sa likod ng walong attacks at isang block at si Ivy Remulla na may apat na puntos.

Kasalukuyang naman naglalaro ang Generika-Ayala at PLDT habang sinusulat ang balitang ito. Fergus E. Josue, Jr.

 

F2 LOGISTICS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with