Villanueva pakay ang suot na WBC crown ni Ooubaali
Russell Cadayona (Pang-masa) - July 7, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pipilitin ni dating two-time world title challen­ger Arthur “King” Villanueva na muling makapagsuot ng korona.

Hahamunin ng 30-anyos na si Villanueva si World Boxing Council bantamweight titlist Nordine Ooubaali ng France ngayon sa Barys Arena sa Nur-Sultan, Kazakhstan.

Ito ang magiging ikatlong title shot ni Villanu­eva matapos noong 2015 laban kay IBF super flyweight king McJoe Arroyo ng Puerto Rico noong 2015 at kay WBO ruler Zolani Tete ng South Africa noong 2017.

Kasalukuyang bitbit ni Villanueva ang kanyang 32-3-1 win-loss-draw ring record kasama ang 18 knockouts.

Sinabi ni Villanueva na pipilitin niyang ma­ka­silip ng tsansa pa­ra mapabagsak si Ooubaali, isang matinik na southpaw fighter.

Tangan ng 32-anyos na si Ooubaali ang malinis na 15-0-0 (11 KOs) kartada.

Nakamit niya ang bakanteng WBC crown ma­tapos talunin si American Olympian Rau’shee Warren sa undercard ng world welterweight championshio fight nina Manny Pacquiao at American Adrien Broner noong Enero 19 sa Las Vegas, Ne­va­da.

 

VILLANUEVA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with