^
Pinagpahinga muna si Manny

Pinagpahinga muna si Manny

Chris Co (Pang-masa) - July 5, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Binigyan ng coaching staff si Manny Pacquiao ng isang buong araw na pahinga upang makarekober ang kanyang katawan sa pukpukang training bilang paghahanda sa unification bout laban kay Keith Thurman sa Hulyo 20 (Hulyo 21 sa Maynila) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Ayaw ni strength and conditioning expert Justin Fortune na masunog ang reigning World Boxing Association (WBA) regular welterweight champion  sa training kaya’t marapat lamang na bigyan ito ng sapat na pahinga.

Walang nasilayan na Pacquiao sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California gayundin sa Griffith Park na pinagdarausan ng kanyang running session kaya’t dismayado ang mga fans na nag-abang para makita ang Pinoy champion.

“We had to give Manny a good, complete rest. He looked sluggish and tired du-ring sparring and we, Freddie Roach, Buboy Fernandez and the rest of the training team realized that,” wika ni Fortune.

Hindi naman aniya malaking kawalan ang isang araw na pahinga dahil nasa magandang porma na ang katawan ni Pacquiao at halos abot na ang perpektong kondis-yon para sa laban.

“He had a terrific fortnight on the road and in the gym since he arrived here in the US and he, indeed, needs to pull back on training, especially now that he had achieved what we wanted him to achieve,” wika ni Fortune.

Matapos ang isang araw na pahinga, nakaabang na kay Pacquiao ang panibagong pukpukang training kung saan sasailalim na naman ito sa 10 rounds ng sparring habang may mitts din ito ng aabot sa 10 hanggang 12 rounds kasama sina Roach at Fernandez.

Selyado na ang game plan ni Pacquiao laban kay Thurman.

At naniniwala si Roach na alam na ni Pacquiao ang gagawin nito sa oras na makaharap ang American fighter.

“Manny has Keith Thurman’s number. Thurman is slower than Heinz ketchup. The fans know it, and the sports books know it. Manny is so unbelievably fast. He’s 40 years old and moving around the ring with the same speed he had when he was just a seven-division world champion,” ani Roach.

 

MANNY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with