Lady Eagles tangka ang Finals slot
Chris Co (Pang-masa) - May 4, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Puntirya ng top seed Ateneo de Manila University na masungkit ang unang silya sa finals sa pagharap sa No. 4 Far Eastern University (FEU) sa pagsisimula ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament Final Four sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Lalarga ang salpukan ng Lady Eagles at Lady Tamaraws sa alas-4 ng hapon.

Hawak ng Ateneo ang twice-to-beat card matapos mangibabaw sa eliminasyon tangan ang 12-2 marka habang nakasampa sa ikaapat ang FEU na may 9-5 baraha.

Ayaw na ni Lady Eagles head coach Oliver Almadro na magpatumpik-tumpik pa kaya’t inatasan nito ang kanyang tropa na ibuhos na ang lahat para makaiwas sa mas kumplikadong rubber match.

“We’ll work hard and focus first on the semifinals. We’ll pray and work to reach the championship series. Our mindset now is really to get back to the finals,” ani Almadro.

Sasandalan ng Ateneo si opposite hitter Kat Tolentino gayundin sina middle blockers Maddie Madayag at Bea De Leon na siyang mangunguna sa net defense ng Katipunan-based squad.

Kailangan ng tatlo ng tulong mula kina wing spi-kers Ponggay Gaston at Jules Samonte at sa liberong sina Kim Gequillana at Dani Ravena na magiging katuwang ni playmaker Deanna Wong sa pagbuo ng matikas na plays.

May 2-0 bentahe ang Ateneo sa FEU sa season na ito. Naitala ng Lady Tamaraws ang 14-25, 19-25, 25-21, 25-19, 15-12 panalo sa first round at 25-21, 25-10, 25-18 demolisyon sa second round.

Subalit ibang usapan na ang Final Four.

Mataas ang morale ng Lady Tamaraws na galing sa matikas na 25-22, 13-25, 15-25, 27-25, 15-8 upset win sa reigning champion De La Salle University.

“This is big morale-booster for us especially this was the first time in a long while that we beat La Salle. Knowing Ateneo, they’re also a powerhouse team. We’re not going to stop until we score against them. We’ll work hard for this,” ani FEU head coach George Pascua.

Kukuha ng lakas ang Lady Tamaraws kay team top scorer Heather Anne Guino-o kasama sina team captain Jerrili Malabanan at middle hitters Jeanette Villareal at Celine Domingo.

Nakatakda namang magharap sa hiwalay na Final Four game ang No. 3 La Salle at No. 2 University of Santo Tomas na armado ng twice-to-beat card.

Sa men’s division, papalo ang semis match sa pagitan ng No. 2 at twice-to-beat holder FEU at ng No. 3 Ateneo sa alas-2 ng hapon.

 

LADY EAGLES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with