‘19 Asian Boxing Elite Championships 2 pang Pinoy pugs pasok sa semis
Chris Co (Pang-masa) - April 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawa pang miyembro ng national boxing team ang umusad sa semifinals ng 2019 Asian Boxing Elite Championships na ginaganap sa Huamark Indoor Stadium sa Bangkok, Thailand.

Pasok sa semis sina reigning Southeast Asian Games champion John Marvin at dating World Championship gold medallist Josie Gabuco matapos magtala ng impresibong panalo sa kani-kanyang dibisyon.

Nagrehistro si Marvin ng 4-1 unanimous decision win laban kay Daneshvar Hossein ng Iran sa quarterfinals ng men’s light heavyweight division.

Pumabor kay Marvin ang apat na hurado mula Uzbekistan (30-27), Turkey (29-28), Japan (29-28) at Tajikistan (29-28) habang nakakuha lamang ng isang boto ang Iranian pug galing sa Hungarian judge na nagbigay ng 29-28 iskor.

Makakatipan ni Marvin sa semis si Shinebayar Narmandakh ng Mongolia na nagsumite ng 4-0 una-nimous decision win kay Anavat Thongkrathok ng host Thailand sa hiwalay na quarterfinal bout.

Patuloy din ang pananalasa ni Gabuco na nailusot ang 3-2 split decision win kay Alua Balkibekova ng Kazakhstan sa quarterfinals ng women’s light flyweight category.

Bumoto para kay Gabuco ang Sri Lankan (30-27), Indian (30-27) at Hungarian (29-28) judges habang pumanig kay Balkibekova ang mga hurado mula sa Mauritius (29-28) at Japan (29-28).

Susuntok sa semis si Gabuco kontra kay Mungunsaran Balsan ng Mongolia na naitakas din ang 3-2 split decision win laban naman kay Sikadon Ratchaneekorn ng Thailand.

Makakasama nina Marvin at Gabuco sa semis si Ian Clark Bautista na naglagak ng split decision win kay Chen Zhihao ng China sa men’s bantamweight.

Hindi naman pinalad si Marvin Tabamo na umani ng 1-4 kabiguan kay Tosho Kashiwasaki ng Japan sa men’s flyweight category.

Nakatakda pang su-mabak sa quarterfinals sina Nesty Petecio at Joel Bacho Martes ng gabi.

Lalarga si Petecio laban kay Manisha ng India sa women’s bantamweight habang aariba naman si Bacho kontra kay Mai Maitituersun Oiong ng China sa men’s welterweight.

BOXING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with