^

PM Sports

NCAA Women’s Volley semifinals cast buo na

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kumpleto na ang Final Four ng NCAA Season 94 women’s volleyball tournament.

Nanguna ang College of Saint Benilde kasunod ang reigning champion Arellano University at last year runner-up na San Beda University na may magkakatulad na 8-1 baraha.

Nahablot naman ng University of Perpetual Help System Dalta ang ikaapat na puwesto tangan ang 6-3 marka.

Sa apat na semifinalists, ang Lady Altas ang may pinakamatinding pagdaraanan upang makuha ang kampeonato dahil tinalo sila ng tatlong koponang kasama nila sa Final Four. Ngunit hindi basta-basta isusuko ng Perpetual Help ang laban na mataas ang moral dahil galing ito sa panalo.

Pinatumba ng Perpetual Help ang Jose Rizal University para masikwat ang huling silya sa semis.

“Papasok kami sa semis na mataas ang morale namin. Kailangan lang namin ng tamang preparation para sa semis,” ani Perpetual Help head coach Macky Cariño.

Makakasagupa ng Perpetual Help sa semis ang Benilde na armado ng twice-to-beat advantage habang magtutuos naman sa hiwalay na semis game ang San Beda at Arellano na mayroon ding Final Four incentive.

“Ang challenge ko sa kanila, bumawi kami this time. Bawian namin yung mga tumalo sa amin sa elimination (at isa na nga ang Benilde),” dagdag ni Cariño.

vuukle comment

NCAA WOMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with