^

PM Sports

Broner nagyabang; Pacquiao cool lang

Pang-masa
Broner nagyabang; Pacquiao cool lang

LAS VEGAS – Kaagad bumitaw si American challenger Adrien Broner ng power punches bago ang kanilang suntukan ni Manny Pacquiao sa Linggo (Manila time) dito sa MGM Grand.

Nakasuot ng parang isang rapper, tila isang gangs-ter si Broner nang magsalita sa huli nilang press conference ni Pacquiao.

Binastos ni Broner si boxing analyst Al Bernstein sa stage na parang gusto niyang mawala ang 68-an-yos na Hall-of-Famer sa David Copperfield Theater.

Umakyat si Bernstein sa stage para pamahalaan ang Q&A ng dalawang boxers kasama ang mga mi-yembro ng boxing media.

Ngunit nang tatanungin ni Bernstein si Broner ay hindi siya pinatapos sa pagsasalita ng tubong Cincinnati.

“I ain’t even going to lie to you, I don’t (##$!!) with you, bro,” sabi ni Broner kay Bernstein . “You talk too much (##$!!)) about me on Twitter. I’m just being real, bro. I already feel like you’re against me.”

Pinilit naman ni Pacquiao na huwag pansinin ang nangyayari sa pagitan nina Broner at Bernstein..

Sa pagtatapos ng press conference ay nagsama sina Pacquiao at Broner sa centerstage para sa isang face-off.

Subalit habang naghahanda sila para sa pormahan ay napansin ni Broner ang mga rah-rah boys ni Pacquiao na inookupahan ang front row.

“I got a cat for you for dinner and I got some sautéed German Shepherd for you in the back,” pagturo ni Broner sa mga alagad ni Pacquiao.

Hindi man lamang kinamayan ni Broner si Pacquiao.

Kumpara sa ipinakita ni Broner ay mas naging magalang at palangiti naman si Pacquiao sa media.

Sa podium ay pinasalamatan niya ang mga dumalo at sinabing natutuwa sa muling paglaban sa venue kung saan niya ginawa ang pinakamagaganda niyang laban. Winakasan ni Pacquiao ang kanyang talumpati sa pamamagitan ng isang bible verse.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with