^

PM Sports

Davis makakasama ni LeBron sa Lakers?

Pang-masa
Davis makakasama ni LeBron sa Lakers?

MANILA, Philippines — Nagsimula na ang usap-usapan tungkol sa paglipat ni Anthony Davis sa Los Angeles Lakers.

Pumutok ang balita tungkol sa New Orleans Pelicans noong linggo nang ihayag nitong pipir-ma siya sa kilalang agent na si Rich Paul ng Klutch Sports Group. Si Paul lang naman ang longtime agent ni LeBron James gayundin ng iba pang top NBA gaya nina Eric Bledsoe, John Wall at Ben Simmons.

Nag-tweet ang Klutch Sports Group ng “We officially welcome @AntDavis23!”

Bumati rin sa kanyang Twitter si James. “Welcome to the Family @AntDavis23!!!!! #Klutch.” Ang mga players na pumipirma kay Paul ay pinag-uusapan kung saan mapupunta ang mga magiging free agent na players.

Dahil walang tunay na star power sa post ang Lakers, ang pagpirma ni Davis kay Paul ay siguradong magsisimula ng iba’t ibang opinion.

Sa kasalukuyan, nasa Los Angeles sina JaVale McGee na starting center at back-up niya sina Ivica Zubac at Isaac Bonga na na ‘di malayong malaglag sa  pagpasok sa line-up na sina Kyle Kuzma, Brandon Ingram at si-yempre LeBron James.

Si Davis ay nasa kalagitnaan ng kanyang five-year, $127 million contract sa New Orleans na tatakbo hanggang 2020-21 season. Kung hindi siya makakalipat sa Los Angeles bago mapaso ang kanyang kontrata, magpo-40 na si LeBron kapag naghanap si Davis ng bago niyang team.

Pero malinaw na nagpo-focus na si Davis sa kanyang future. Ang 2021 free agency ay inaasahang magiging hitik dahil bukod kay Davis, puwede ring mapasama sina Giannis Antetokounmpo, Bradley Beal, Rudy Gobert, Otto Porter Jr. at Victor Oladipo.

Naka-schedule ding maging free-agent sina Gordon Hayward, Mike Conley, Damian Lillard, DeMar DeRozan at C.J. McCollum.

vuukle comment

ANTHONY DAVIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with