^

PM Sports

Overload ang Philippine bowling team

Pang-masa

JAKARTA — Mabigat na dalahin ang binuhat ng na­tional bowling team papunta dito para sa paglahok sa 18th Asian Games.

Kaya naman idineklarang excess baggage ang bow­ling balls na dala ng bawat national kegler.

“The allowed (baggage) weight for each athlete is 30 kilos but our bowlers are bring six to seven balls each, or more than 40 kilos, so excess talaga sila,” sa­bi ni Philippine Bowling Federation secretary ge­neral Bong Coo mula sa Manila sa kanyang mensahe sa Facebook messenger.

Nakatakdang bumiyahe ang mga Filipino keglers sa Palembang kahapon at nakatakdang sumabak sa aksyon sa bagong ayos na Jakabaring Bowling Center sa loob ng Jakabaring Sports Complex.

Ang 12-man Philippine team ay pinamumunuan ni head coach at four-time World Cup champion Ne­pomuceno katulong sina dating national team mainstays Biboy Rivera at Jojo Canares para sa men’s at wo­men’s squads, ayon sa pagkakasunod.

Kabilang sa mga miyembro ng tropa ay sina Merwin Tan at Kenzo Umali, kasama sa four-man squad na nag-uwi ng boys’ team bronze medal sa nakaraang World Youth Bowling Championships na idinaos sa Detroit, Mi­chigan. 

Ayon kay Coo, kinailangan ng PBF na maglabas ng P140,000 para sa overload mula sa Jakarta patu­ngo sa Palembang.

Tiniyak naman ng Philippine Sports Commission na ibabalik sa PBF ang lahat ng kanilang ginastos.

Hangad ng koponan na mawakasan ang eight-year drought sa quadrennial meet matapos kunin ni Rivera ang gold medal sa men’s singles event noong 2010 Asiad sa Guangzhou, China.

 

vuukle comment

BOWLING TEAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with