^

PM Sports

Batang Gilas bigo sa China para sa bronze medal

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Batang Gilas bigo sa China para sa bronze medal
Nailusot ni 6-foot-10 Batang Gilas forward AJ Edu ang kanyang lay­up laban sa isang Chinese player.
FIBA.com

MANILA, Philippines — Nagkasya sa ikaapat na puwesto ang Batang Gi­las matapos mabigong makaulit ng panalo sa re­match nila ng China sa bronze medal match, 57-76, sa pagtatapos ng International Basketball Federation (FIBA) Under-18 Asian Championship kahapon sa Stadium 29 sa Nonthaburi, Thailand.

Sariwa pa ang sugat mula sa masaklap na 43-77 kabiguan sa semifinals kontra sa bigating Australia kamakalawa, nabulaga kaagad ang Batang Gilas sa first quarter pa lang nang iwanan ng mapaghigan­ting China, 27-14.

Hindi na nakabangon pa ang koponan buhat noon nang matambakan pa ng hanggang sa 23 pun­tos patungo sa mapait na kabiguan.

Malayo ito sa 73-63 panalo ng Batang Gilas sa parehong koponan na China sa group phase na si­yang nagtulak sa kanila diretso sa quarterfinals.

At taliwas sa panalong iyon kung saan gumamit ng balanseng atake ang Philippine youth team, ta­nging sina twin towers Kai Sotto at AJ Edu lamang ang nakapagpasiklab sa pagkakataong ito.

Nagtala ng 16 puntos at walong rebounds ang 7-foot-1 na si Sotto, habang may 14 puntos at walong rebounds naman ang 6’10 na si Edu.

Samantala, giniyahan naman ni Jie Xu ang Chi­na sa kanyang 18 puntos, 5 rebounds at 7 assists.

Gayunpaman, naabot pa rin ng Batang Gilas ang kanilang misyon sa Thailand matapos makasi­guro ng upuan sa 2019 FIBA U-19 World Cup na gaganapin sa hindi pa inaanunsyong bansa.

Ayon sa tournament format, ang apat na bansang makakatawid sa semifinals ang aabante sa world stage at magiging kinatawan ng Asya.

Ito ay ang Pilipinas, third placer na China at ang mga finalists na Australia at New Zealand na kasalukuyan pang naghaharap para sa gintong me­dalya habang isinusulat ang balitang ito.

Nagawa ng Batang Gilas na makasikwat ng ti­ket sa U19 World Cup matapos talunin ang Bahrain, 67-52, sa quarterfinals noong Huwebes.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na papasok sa World Cup ang Philippine youth team sa loob ng 39 ng taon.

Huling naglaro sa world stage ng U19 age group category ang bansa noong 1979 sa pangungu­na ng batikang coach na si Arturo Valenzona.

Giniyahan ng mga Philippine Basketball Association (PBA) legends na sina Yoyoy Villamin, Chito Loyzaga, Hector Calma, Joel Banal at JB Yango ang naturang koponan na nagtapos sa ika-10 puwesto.

 

vuukle comment

BATANG GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with