Scratchers ‘di bibitaw sa liderato
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - June 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kakapit sa liderato ang Go For Gold sa pakikipagsagupa sa Centro Escolar University sa 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Developmental League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Hawak ang 2-0 kartada, susubok sa ikatlong sunod na panalo ang Scrat­chers upang mapanatili ang puwesto sa tuktok ng team standings ngayong alas-3 ng hapong labanan nila ng sabik makabawing Scorpions.

Kagagaling lamang sa 86-83 pag-eskapo sa AMA Online Education no­ong nakaraang linggo, paboritong manalong muli ang Go For Gold.

Aasa si coach Charles Tiu sa batikang manlalarong si Gab Banal na mu­ling trangkuhan ang atake ng Scratchers matapos magliyab sa 28 puntos at 15 rebounds kontra sa Titans.

Susuporta naman sa kanyang likuran ang mga bagong Scratchers at da­ting collegiate stars na sina Paul Desiderio, Vince Tolentino at Ron Dennison kasama  ang mga beteranong sina James Martinez at Jerwin Gaco.

Nakaharang sa kanilang daan ang hindi basta-basta padadaig na Scorpions lalo’t gustong makabawi agad nito mula sa masaklap na 90-96 silat na pagka­talo sa Batangas-Emilio Aguinaldo College noong nakaraang Huwebes.

Tangan ang 1-1 baraha, hangad ni coach Pumaren na magabayan ang Scor­pions sa pagsosyo sa liderato sa Go For Gold.

Samantala, sa unang laro ay tatangkain naman ng Titans na makaiskor ng unang panalo kontra sa mabigat na paboritong Che’Lu Bar and Grill na runner-up ng nakaraang Aspirants’ Cup.

Gigiyahan ng top overall pick na si Owen Graham ang atake ng Titans matapos mauwi sa wala ang halimaw na 31 puntos at 24 rebounds niyang pro­duksyon sa kabiguan nila sa Go For Gold katapat sina Jeff Viernes,  Jes­sie Collado at Jay-R Taganas ng Revellers.

SCRATCHERS
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with