De La Hoya, Matthysse makikipagkita kay Pacquiao
Russell Cadayona (Pang-masa) - March 22, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi si Bob Arum ng Top Rank Promotions ang inimbitahan ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao na bumisita sa Pilipinas sa susunod na buwan.

Nakatakdang duma-ting sa bansa si Oscar De La Hoya ng Golden Boy Promotions sa Abril 4 kasama si Lucas Matthysse ng Argentina.

Ito ay para sa formal announcement ng bakbakan nina Pacquiao (59-7-2, 38 KOs) at Matthysse (39-4-0, 36 KOs) na itinakda sa Hunyo 24 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“Dela Hoya called up asking me if we could reset the Manila launching after the Holy Week. That’s why it was moved to April 4,” sabi ni Pacquiao.

Sa gabi naman ng Abril 5 ay pormal na ilulunsad sa Malaysia ang Pacquiao-Matthysse bout.

Huling lumaban ang 39-anyos na si Pacquiao noong Hulyo ng nakaraang taon kung saan siya natalo kay Jeff Horn via unanimous decision at naisuko ang suot na WBO welterweight crown sa Brisbane, Australia.

Ang naturang laban ang pinakahuli ni Pacquiao sa kanyang kontrata sa Top Rank ni Arum.

Nauna nang inilagay ni Arum ang comeback fight ni Pacquiao laban kay dating Mexican world light welterweight titlist Mike Alvarado (38-4-0, 26 KOs) sa undercard ng title defense ni Horn (18-0-1, 12 KOs) kontra kay American mandatory challenger Terence Crawford (32-0-0, 23 KOs) sa Abril 14 sa Mandalay Bay Resort & Casino sa Las Vegas, Nevada.

Ngunit tinanggihan ito ni Pacquiao.

Ayon kay Atty. Eldibrando Viernesto, ang legal counsel ni Pacquiao, wala nang anumang pakialam si Arum sa direksyon na gustong puntahan ng Senador sa kanyang boxing career.

Hindi na rin kinuha ni ‘Pacman’ang serbisyo ni Hall of Fame trainer Freddie Roach para sa kanyang laban kay Matthysse sa Malaysia na pamamahalaan ng kanyang MP Promotions.

Sinabi naman ni Aqui-les Zonio, ang media officer ni Pacquiao, na sinubukang isabotahe ni Arum ang Pacquiao-Matthyse fight sa pamamagitan ng pagtawag sa mga Malaysian financial backers.

Subalit hindi pinansin ang pamosong promoter.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with