^

PM Sports

PBA Board nagkasundo na?

Nelson Beltran - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tila nagkasundo na ang dalawang paksiyon sa PBA board matapos maghayag ng press confe-rence ngayong umaga sa Okada Manila sa Macapagal Blvd. kung saan inaasahang pormal na ilu-lunsad ang PBA Season 43.

Sa kauna-unahang pagkakataon matapos mahati ang PBA Board of Governors dahil sa hindi pagkakasunduan, inaasahang makukumpleto ang grupo  para magpakita ng pagkakaisa sa pre-season press conference na magaganap.

Karamihan sa mga miyembro ng PBA Board ay nagkumpirma ng kanilang pagdalo.

Nahati ang grupo sa mga ‘di pumabor na bigyan ng panibagong term si Commissioner Chito Narvasa at sa mga pabor na magpatuloy ito sa panunungkulan.

Kabilang sa majority bloc na nag-apruba sa resolusyon na huwag nang bigyan ng panibagong term si Narvassa ang TNT Katropa, Meralco, NLEX, Rain or Shine, Alaska, Blackwater at Phoenix.

Kontra naman dito ang grupo ng San Miguel Beer, Barangay Ginebra, Star, Kia at GlobalPort na nagsabing kailangan ng two-thirds vote ng board para masibak si Narvasa.

Inaasahang magiging mainit ang press conference kung saan posibleng ungkatin ang isyu tungkol kay Narvassa.

Hindi nagustuhan ng majority bloc ang desisyon ni Narvasa na payagan ang trade sa pagitan ng San Miguel at Kia kung saan ibinigay ng San Miguel sina Ronald Tubid, Jay-R Reyes at Rashawn McCarthy at isang 2018 draft pick para sa hawak na No. 1 overall pick ng Kia.

Ito ang ginamit ng Beermen para mahugot si 6-foot-8 Fil-German Christian Standhardinger.

Dahil sa hindi pagkakaunawaan ay kinansela ng PBA Board ang taunang planning session sa Los Angeles, California noong Nobyembre kung saan hindi naipasa kay incoming chairman Ra-moncito Fernandez ng NLEX ang league chairmanship mula kay Mikee Romero ng Globalport.

Sa pagbubukas ng torneo sa Disyembre 17 ay sisimulan ng San Miguel ang pagdedepensa sa kanilang korona sa pagsagupa sa Phoenix sa alas-6:15 ng gabi sa nag-iisang laro sa Smart Araneta Coliseum.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with