^

PM Sports

Tenorio, Romeo pararangalan sa PBA Press Corps Awards

Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang mga maliliksing sina veteran guards LA Tenorio at Terrence Romeo at 2017 Rookie of the Year Roger Pogoy ang bumabandera sa inisyal na listahan ng mga awardees na pararangalan sa 24th PBAPC Awards Night sa Nobyembre 30 sa Gloria Maris Restaurant sa Gateway Mall sa Cubao.

Igagawad kay Tenorio ang Order of Merit honor, habang muling tatanggapin ni Romeo ang Mighty Sports Scoring Champion trophy at pamumunuan ni Pogoy ang All-Rookie team na ibibigay ng mga sportswriters na regular na nagkokober ng PBA beat.

Ibinibigay ang Order of Merit sa manlalarong may pinakamaraming bilang ng Player of the Week honor mula sa PBAPC.

Apat na beses kinilala ang Barangay Ginebra veteran point guard sa nakaraang 42nd season.

Naglista naman si Romeo ng PBA-best 23.3 points average per game para muling hirangin bilang top local scorer ng nakaraang season.

Ito ang ikatlong sunod na pagkakataon na kinilala ang Globalport gunner bilang scoring champion at ang kauna-unahang player na nagawa ito matapos si Gary David na apat na sunod na beses naging sco-ring titlist (2010-13).

Babanderahan ni Pogoy ng TNT Katropa ang All-Rookie team na kikilalanin sa event na inihahandog ng Cignal.

Kasama ng Gilas stalwart sa tropa sina Matthew Wright (Phoenix), Jio Jalalon (Star), Kevin Ferrer (Barangay Ginebra) at Reden Celda (KIA).

Ang pinakatampok sa event ay ang paghirang sa tatanggap ng Virgilio ‘Baby’ Dalupan Coach of the Year award na ipinangalan sa namayapang mentor na gumiya sa Crispa sa unang PBA Grand Slam noong 1976.

Ang iba pang ipapamahagi ay ang Danny Floro Executive of the Year award na tribute sa dating Crispa team owner at ang Bogs Adornado Comeback Player of the Year na ipinangalan sa dating three-time MVP at miyembro ng PBA 25 Greatest Players.

Kikilalanin din ang Mighty Sports Defensive Player of the Year, Mr. Quality Minutes, All-Interview team at ang unang PBAPC Game of the Season award.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with