^

PM Sports

3 kabayo magkakadikit sa Trial Race ng Sweepstakes

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Tatlong kabayo ang halos magkakasabay na dumating ng finish line sa ginanap na Philippine Charity Sweepstakes Office Special Maiden race noong nakaraang Abril 7, 2017.

Ang mga ito ay ang Scarborough Shoal na dinala ni Fernando M. Raquel Jr., at bahagyang nakaangat sa kanyang mga kadikitan sa mga kaba-yong may edad tatlong taon.

Halos kaungos lang ang Flawless Diamond na si Mark M. Gonzales naman ang siyang pumatong at kapantay rin sa meta ang Cerveza Rosas na inibabawan ni Jonathan B. Hernandez.

Sa trial race ay nagpakita ng liksi at bilis mula sa aparato ang Scarborough Shoal, samantalang ang mga nakadikitan sa meta na Flawless Diamond at Cerveza Rosas ay nakasunod lang naman.

Dumating sa ikaapat na puwesto ang derema-teng Batang Poblacion na pinatakbo ni Jordan B. Cordova.

Pumang-lima na may dipirensiyang isang segundo ang agwat ng isa pang nagdala ng trangko ang kabayong Lady Geisha na si Jessie B. Guce ang sumakay.

At dahil hindi naman nakatodo sa pagtakbo ay magkakasunod na dumating sa likuran ang Breaking News na ni-rendahan ni Rems M. Ubaldo, Flash Dance na ginabayan ni Rodeo G. Fernandez at Big Pink na inibabawan ni Kelvin B. Abobo.

Sa darating na Abril 22 ang magiging aktu-wal na labanan at sa Metro Turf Club na nasa Malvar-Tanauan, Batangas pa rin ang labanan sa 1,200 meters.

Naglaan ang PCSO ng premyong isang milyong piso at ang P600,000 na bahagi ay mapupunta sa kampeon.

Premyong P225,000 ang maiuuwi naman ng runner-up, samantalang P125,000 naman ang sa third placer at may bonus na P50,000 ang magwawaging kabayo. JMacaraig

vuukle comment

FERNANDO M. RAQUEL JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with