Diaz may tsansang manalo ng gold

(Pang-masa) - November 11, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines - Malaki ang tsansa na manalo ng medalya si two-time Olympian Hidilyn Diaz sa gaganaping 2015 IWF World Weightlifting Championships sa Houston, USA mula Nobyembre 20 hanggang 29.

Ang mga medalists sa torneo ay papasok na sa 2016 Rio Olympics at base sa mga sasali sa category A, 53-kilogram ca-tegory, si Diaz ay nasa ikalawang puwesto kasama ang dalawang Chinese lifters sa kompetisyon.

Ang entry lift ni Diaz kasama sina Li Yajun at Xiaoting Chen ng China ay nasa 220-kilograms para pumangalawa kay London Olympics silver medalist Hsu Shu-chin ng Chinese Taipei sa 225kg.

Sasali rin si Nestor Colonia sa men’s 56kg at siya ay nakatabla sa ikaapat na puwesto kasama si Taiwanese Yang Chin-yi sa gagawing 280kg buhat.

Si Diaz na kasama sina Colonia at coach Alfoncito Aldanete na aalis ng bansa sa Nobyembre 15, ay puspusang nagsasanay at binigyan din siya ng ayuda ng  POC at PSC para sa tamang pagkain at psychologist para sa kanyang mental preparation.

“Ang kailangan na lamang natin ngayon ay dasal na makuha ni Hidilyn ang medalya rito. Puwede pa naman sa Asian Championships nag-qualify dahil Olympic qualifying ito pero talagang pipilitin namin ni Hidilyn na makuha na rito ang slot,” wika ni Philippine Weightlifting Association (PWA) vice president at nangangasiwa sa paghahanda ni Diaz at Colonia na si Elbert Atilano Sr.

Beterano ng 2008 Beijing at 2012 London Olympics, hindi nakaporma si Diaz sa mga torneong ito dahil sa 58-kilogram division siya lumaban.

Pero ibinaba uli ni Atilano si Diaz sa dating timbang na 53kg at agad na nakita ang buti nito nang manalo ang 20-anyos tubong Zamboanga City ng ginto sa SEA Weightlifting Championships at Asian Weightlifting Championships noong Hunyo at Setyembre.

Ang kanyang determinasyon na makalaro uli sa Olympics ang posibleng magtulak kay Diaz para may mailabas pang lakas upang makuha ang medalya at upuan sa Rio Games.

Sa kasalukuyan, si Fil-Am Eric Cray pa lamang ang siguradong lalaro sa Rio sa 400m hurdles. (AT)

ALFONCITO ALDANETE ANG ASIAN CHAMPIONSHIPS ASIAN WEIGHTLIFTING CHAMPIONSHIPS CHINESE TAIPEI COLONIA DIAZ ELBERT ATILANO SR. FIL-AM ERIC CRAY HIDILYN LONDON OLYMPICS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with