Skater Martinez walang pahinga

MANILA, Philippines - Hindi makakapagpahinga si Olympic figure skater Michael Martinez na kumopo ng gold medal sa nakaraang Asian Open sa Bangkok kamakailan dahil naghahanda na siya para sa US International Classic na gagawin sa Salt Lake City, Utah sa Sept. 16-20.

Pagkatapos sa Utah, sasabak naman si Martinez sa Finlandia Trophy sa Espoo, Finland sa Oct. 8-11 kasunod ang Grand Prix event Cup of China sa Beijing sa Nov. 6-8 at sa Warsaw Cup sa Poland sa Nov. 26-29 bago ang run-up ng World Championships sa Boston sa March 28-April 3 sa susunod na taon.

Sa kabuuan, plano ni Martinez na lumahok sa ‘di bababa sa walong competitions ngayong season. 

Maganda ang kanyang naging simu-la matapos ang panalo sa Asian Open title nang kanyang talunin si Keiji Tanaka ng Japan, 188.53 to 182.70, tatlong linggo na ang nakakaraan.

Show comments