AJ Price ibabalik ng Pacers

INDIANAPOLIS -- Ibabalik ng Pacers si guard A.J. Price.

Pinapirma ng India-na ang free agent player noong Huwebes ngunit hindi inilabas ang detalye ng kanyang kontrata.

Inilaro ni Price ang una niyang 3-NBA seasons sa Pacers at ang kanyang pagbabalik ang makakatulong sa koponan na puro may injury ang players.

Wala sa Pacers (1-4) si two-time All-Star Paul George na nabalian ng kanang binti sa isang ensayo ng Team USA.

Naglalaro rin ang Indiana na wala sina power forward David West (sprained right ankle), guard George Hill (bruised left knee), backup point guard C.J. Watson (bruised right foot) at guard Rodney Stuckey (strained tendon).

Binigyan ng NBA ang Pacers ng hardship exception para maidagdag si Price na pinakawalan ng Cleveland noong Sabado.

Show comments