Kinakabahan si Roach - Algieri

MANILA, Philippines - Iginiit ni Freddie Roach na mas magaling ang mga sparring partners ni Manny Pacquiao kaysa kay Chris Algieri, lalabanan ng Filipino icon sa November 23.

Ilang beses nang nakikipag-sparring si Pacquiao kina Viktor Postol, Stan Martyniouk at Mike Jones sa  kanyang training camp sa General Santos City at hindi siya nahirapan sa mga ito. Napadugo pa minsan ni Pacquiao ang ilong ni Postol sa isang sparring session.

Pero sa tingin ni Roach, talagang mas maga-ling ang mga sparmates ni Pacquiao kaysa kay Algieri.

Kung tama ang iniisip ni Roach, maaaring ma-ging madali ang tagum-pay para kay ‘Pacman’ sa kanyang laban sa Cotai Arena ng The Venetian Macao sa China.

Ngunit sinabi ni Algie-ri na itinatago lamang ni Roach ang kanyang takot kaya niya ito sinabi.

“He’s nervous,” wika ni Algieri sa report ni Chris Robinson sa HustleBoss.com.

Sinabi pa ng undefeated New Yorker na hindi niya iniisip ang mga patutsada sa kanya ni Roach at patuloy ang kanyang pagsasanay para sa kanilang laban ni Pacquiao.

“Simple as that. He’s acting out of character because he’s nervous. That stuff doesn’t affect me at all. I’m not that guy,” ani Algieri.  “It’s not going to work on me.”

 

 

Show comments