IEM vs FEU agawan sa liderato Cagayan Lady Rising Suns target ang solo No. 2
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - October 14, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Agawan sa ikalawang panalo ang nakataya sa Instituto Estetico Manila Volley Masters at FEU Tamaraws habang solohin ang ikalawang puwesto sa kababaihan ang nais ng Cagayan Valley Lady Rising Suns sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 11 Foreign Reinforced Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Hindi malayong umabot uli sa limang sets ang  tagisan sa kalalakihan na siyang unang magtutuos sa ganap na ika-4 ng hapon.

Magkakasalo sa 1-1 karta ang Volley Masters, Tamaraws, Systema Active Smashers at Rizal Technological University Blue Thunder kaya’t magpapatayan ang mga kasaling koponan lalo pa’t ang mangungunang dalawang koponan matapos ang double-round elimination ang siyang magtutuos sa titulo.

Katipan ng Lady Rising Suns ang minamalas na Meralco Power Spikers sa ikalawang laro dakong alas-6 ng gabi at kakalas ang una sa pakikisalo sa PLDT Home Telpad Turbo Boosters kung manalo sa liga na inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Galing ang Cagayan sa 25-17, 25-17, 27-25, panalo sa PLDT para makabalik agad matapos matalo ng Army Lady Troopers.

Sina Aiza Maizo-Pontillas, Janine Marciano, Angeli Tabaquero at Wenneth Eulalio ang mga mangu-nguna sa Cagayan para dumikit pa sa walang talong Lady Troopers.

Sa kabilang banda, unang panalo ang nais makamtan ng Power Spikers matapos maunsiyami sa naunang dalawang laro sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa.

Kailangang maipakita ng mga locals sa pangunguna nina Abby Maraño, Stephanie Mercado, Maica Morada at Maureen Penetrante-Ouano ang kanilang tunay na laro lalo pa’t malabo pa rin na makalaro ang mga imports na sina Misao Tanyama at Wanida Kotruang.

Lahat ng mga dayuhan na dapat maglaro sa liga ay kailangang magpasa ng International Transfer Certificate (ITC) na kautusan ng FIVB para sa mga dayuhang naglalaro bilang imports sa isang volleyball league. (AT)

ABBY MARA ANGELI TABAQUERO ARMY LADY TROOPERS CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS FOREIGN REINFORCED CONFERENCE HOME TELPAD TURBO BOOSTERS INSTITUTO ESTETICO MANILA VOLLEY MASTERS INTERNATIONAL TRANSFER CERTIFICATE JANINE MARCIANO LADY RISING SUNS
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with