Marikina pasok sa semis

MANILA, Philippines - Tinalo nina Shirley Mar­tinez at Lourdes de la Cruz ng Marikina sina Das­mariñas spikers Sheila Mae Nanquil at Alyanna Gorospe, 21-18, para uma­bante sa  semifinals ng ikaapat at huling yugto ng 2014 Petron Ladies’ Beach Volleyball Tournament sa sand courts ng Uni­versity of the East-Ka­loocan campus.

Makakatapat nina Mar­tinez at Dela Cruz sa se­mifinals sina University of the East bets Krycel Cueva at Francislyn Cais sas beach volley tournament na itinataguyod ng Petron at Mikasa balls.

Naglalaro para sa Pa­man­tasan ng Lungsod ng Marikina 1 banner, umis­kor ang 19-anyos na si Mar­tinez ng isang drop shot para sa kanilang 19-17 abante sa Dasmariñas.

Umabot sina Martinez at Dela Cruz sa semis ma­tapos kunin ang 2-1 record sa Group A kasama si­na Melanie Carrera at Cin­­dy Benitez.

Show comments