PBAPC Awards sa Aug. 21
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - August 16, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Idaraos ng PBA Press Corps ang kanilang 2014 Annual Awards sa Agosto 21 sa Richmonde Hotel sa Eastwood City, Libis, Quezon City kung saan pararangalan ang mga taong nangibabaw sa nakaraang 39th season.

Kikilalanin ang Coach of the Year, Executive of the Year, Mr. Qua-lity Minutes, Comeback Player of the Year at All-Rookie Team.

Igagawad din ang Accel-Order of Merit sa player na palaging naiboboto bilang Player of the Week, habang isasagawa rin ang awarding sa top three ng isinagawang Willie Caballes-PBAPC Sports Writing Contest.

Pangungunahan ni PBAPC president Barry Pascua ng Bandera ang mga opisyal at miyembro sa event na ito na gagawin  sa Richmonde Hotel Ballroom sa ganap na alas-6 ng gabi.

Ang Coach of the Year trophy, nakamit ni dating Alaska Aces mentor Lui-gi Trillo noong 2013, ay ipinangalan kay legenda-ry coach Virgilio ‘Baby’ Dalupan samantalang ang pangalan ng namayapa nang si Danny Floro, ang team owner ng Crispa Redmanizers noon, ay nakaukit sa Exe-cutive of the Year trophy na ibinigay sa PBA Board of Governors noong nakaraang taon.

Si three-time PBA Most Valuable Player William ‘Bogs’ Adornado ang mag-aabot ng Comeback Player of the Year trophy.

Ang event ay suportado ng PBA, Alaska, Barangay Ginebra San Miguel, Barako Bull, Blackwater Sports, Globalport, Kia Motors, Meralco, NLEX, Rain or Shine, San Mig Super Coffee, San Miguel Beer at Talk ‘N Text.

ACCEL-ORDER OF MERIT ALASKA ACES ALL-ROOKIE TEAM ANG COACH OF THE YEAR ANNUAL AWARDS BARAKO BULL BARANGAY GINEBRA SAN MIGUEL BARRY PASCUA BLACKWATER SPORTS COMEBACK PLAYER OF THE YEAR
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with