Miller, Jones, LeBron bagay sa Cleveland

INDEPENDENCE, Ohio – Sila ang mga bahagi ng championship puzzle sa Miami.

Umaasa sina Mike Miller at James Jones na magiging mahalaga sila sa Cleveland para maka-tulong ni LeBron James na manalo ng titulo.

“Obviously,” ani Miller, “our goal is to win a championship.”

Nahatak sa Cavaliers para muling makasama si James, ipinakilala sina Miller at Jones para ipa-kita ng Cavs ang kanilang puwersa.

Katabi ni Cavs general manager David Griffin,  sinabi nina Miller at Jones na sabik silang makasama ang Ohio native na si James, sa kanyang pagbabalik-laro  para wakasan ang 50-year championship taong pagkauhaw ng Cavaliers sa titulo.

Nakatikim sina Miller at Jones ng back-to-back titles kasama si James at ang Heat.

Alam nila ang kaila-ngang gawin para manalo ng titulo ngunit hindi ito magiging madali.

“Winning a cham-pionship takes a lot of hard work. It’s one of the hardest things you’ll ever do,” sabi ni Miller. “I was able to be a part, and James was able to be a part of an unbelievable ride in Miami.”

 

Show comments