Gooden muling maglalaro sa Wizards

WASHINGTON — Mu­ling pumirma si forward Drew Gooden sa Wa­shington Wizards.

Ito ang inihayag ni team president Ernie Grun­feld.

Natunghayan ang 6-foot-10 na si Gooden sa 22 regular season games para sa Washington no­ong na­ka­raang season.

Nagtala siya ng mga averages na 8.3 points at 5.2 re­bounds.

Sa higit sa 10 playoff games, kumamada si Gooden ng mga averages na 3.4 points at 4.2 re­bounds.

Orihinal na lumagda ang 12-year NBA veteran ng isang 10-day contract sa Washington noong Peb­rero 26.

Sa kanyang NBA ca­­reer ay nagposte si Gooden ng mga averages na 11.7 points at 7.5 rebounds per game.

Nauna nang pinapirma ng Wizards si veteran Paul Pierce, iniwanan ang Brooklyn Nets.

Si Pierce ay nagmula sa Boston Celtics kagaya ni Kevin Garnett.

Show comments