Kevin Love papunta sa Golden State Warriors?

OAKLAND, Calif.  -- Kung patungo na si Ke­vin Love sa Golden State, hindi naman ito sinasa­bi ni Warriors’ General Ma­nager Bob Myers.

Nagkaroon ng pa­ki­kipag-usap sa Minne­sota Timberwolves tungkol kay Love, hindi sinabi ni Myers ang posibili­dad sa pagdadagdag sa three-time All-Star sa ko­ponang nanalo ng 51 games noong nakaraang sea­son.

Sinabi ni Myers na hin­di papasok ang Warriors sa anumang trade bago ang drafting.

“I will say if you asked me last year at this time would we be in a situation to grab an (Andre) Iguodala, I would have said the same thing,” wika ni Myers.

“I could get up from this (press conference) and five minutes later my phone rings and it’s a deal that I hadn’t thought of, and all of a sudden you’re going down that path. Right now it’s unlikely,” dag­dag pa nito.

Naghahanap na ang Tim­berwolves ng bagong muk­ha para sa kanilang prangkisa dahil sa posibilidad na paggamit ni Love ng opsyon sa kanyang kon­trata.

Inihayag ni Love ang kagustuhang makalipat ng ibang koponan matapos mabigo ang Minnesota na ma­kapasok sa playoffs sa anim na seasons.

Nakatanggap na si Flip Saunders, ang Tim­ber­wolves’ president at coach, ng ilang alok para kay Love mula sa Warriors at Boston Celtics.

Handang ibigay ng Cel­tics ang kanilang dalawang first-round picks.

Show comments