USA, Germany nagpasiklab

RIO DE JANEIRO – Ang Germany ang inaasahang magpapalamig sa Brazil at ang USA ay inaasahang mananalo sa Ghana at ito ang kanilang ginawa para magtabla sa pangunguna sa Group G.

Sa Salvador, Umiskor si Thomas Mueller ng hat-trick at dinomina ng Germany ang Portugal na lumaro na may 10-tao lamang matapos ang red card sa 37th minute tungo sa 4-0 panalo na ikinatuwa ni German President Angela Merkel.

Umiskor si Clint Dempsey sa first minute na sinundan ni rookie substitute John Brooks sa 86th nang igupo ng U.S. ang Ghana, 2-1 sa Natal kung saan nanood si Vice President Joe Biden na binati ang team pagkatapos ng laro.

Ang dalawang larong ito ang tumulong para magkaroon ang World Cup ng kabuuang 44-goals matapos ang 14-games pa lamang.

Walang kontribusyon dito ang Nigeria at Iran dahil natapos ang kanilang laban sa draw na una sa torneo.

Show comments