Blackwater tryout bukas

MANILA, Philippines - Magsasagawa ang PBA D-League Foundation Cup titlist na Blackwater Sports ng ikalawang tryout bukas sa SGS gym sa Araneta Ave. sa Quezon City.

Pamamahalaan ni coach Leo Isaac, kasama sina assistants Pat Aquino at Johnson Martinez, ang tryout na nakatakda sa ganap na alas-10 ng umaga.

Ilang collegiate stars ang nakibahagi sa unang tryout noong Myerkules sa SGS gym.

Natalo sa semis ng kasalukuyang 2014 ng Aspirants, umaasa ang Elite ni team owner Dioceldo Sy na makakakuha sila ng magagaling na players para mapalakas ang kanilang pagdedepensa sa Foundation crown na nakatakdang simulan sa Marso 18.

Nasa kanila na sina UAAP stars Kevin Ferrer ng University of Santo Tomas at Jericho Cruz ng Adamson.

Sinabi ni Isaac na kailangan nilang pabigatin ang kanilang lineup para makasabay sa NLEX at Big Chill.

Show comments