Ingitero nakapanilat

MANILA, Philippines - Nakapanilat ang kon­disyong Ingitero sa nangyaring pista noong Lunes sa MetroTurf sa Malvar, Ba­tangas.

Si JE Apellido ang hinete ng kabayong binigyan ng handicap weight na 56 kilos at tumakbo sa 3YO Handicap race three.

Nagkasukatan sa re­ma­tehan ang Ingitero at Mi Esperanza na ginaba­yan ni Pat Dilema at mayroon ding 56-kilos pero han­da sa labanan ang una para manalo ng halos da­la­wang dipang agwat.

Ang Ingitero, pu­ma­ngalawa noong Set­yem­bre 14 sa San Lazaro Lei­sure Park sa Carmona, Ca­vite, ang lumabas bilang longshot na kabayo sa pagbubukas ng isang linggong pista.

Nagpasok ang win ng P80.50, habang ang 2-1 sa forecast ay may P69.00 di­bidendo.

Ang mga liyamadong kabayo na kuminang ay ang Furniture King at ang Ca­­ra­mel sa races six at se­ven.

Nakasabayan ng Fur­ni­ture King na hawak ni JB Guce ang Big Boy Vi­to na sinakyan ni Rodeo Fer­­nan­dez.

Halos sabay tumawid ang dalawang kabayo pe­ro idineklarang pana­lo ang Furniture King.

Balik-taya (P5.00) ang nangyari sa forecast sa Fur­niture King, habang P18.00 ang dibidendo sa 2-4 forecast sa 3YO han­di­cap race na pinaglaba­nan sa 1,400-metro dis­tan­sya.

Ang win ay may P5.00 balik, samantalang P13.00 ang ibinigay sa 5-2 forecast.

Show comments