^

PM Sports

San Beda posibleng malaglag sa No. 4 dahil kay Koga

Pang-masa

MANILA, Philippines - Bumuo na ng komite ang NCAA para imbestigahan ang akusasyon na si San Beda guard Ryusei Koga ay naglaro sa ibang liga habang idinadaos ang 89th season.

Ayon kay NCAA ManCom chairman Dax Castellano ng host St. Benilde, ang komite ay kanyang pangungunahan at makakasama niya ang mga kinatawan ng Emilio Aguinaldo College, Arellano University, Jose Rizal University, Lyceum at Mapua.

Kumilos ang NCAA matapos makakuha ng mga ebidensya na si Koga ay naglaro sa isang liga noong Setyembre 17.

“We received video evidence,” wika ni Castellano.

Nilinaw naman ni Castellano na hindi naman nila agad hinuhusgahan si Koga kaya bumuo ng komite para suriing mabuti ang mga ebidensyang hinarap sa kanila.

Nauna nang itinanggi ni Koga na nangyari ito at sinabing handa niyang harapin ang imbestigasyon.

Sa batas ng liga, ang manlalarong mapapatunayan na gumawa nito ay masususpindi ng tatlong laro.

Ang pinaglalaruang koponan naman ay babawian ng panalo sa panahon kung kailan napatunayan na naglaro ang isang player sa ibang liga.

Anim na laro pa ang hinarap ng Lions mula Setyembre 17 at si Koga ay naglaro sa limang laban at apat na pagkakataon na nanalo ang San Beda.

Sa huling asignatura ng Lions sa eliminasyon noong Oktubre 26 laban sa Arellano hindi nakasama si Koga.

Sinasabing may sakit ito pero marami ang nagduda dahil sa araw na ito lumabas ang alegasyon sa manlalaro.

Ang Lions ay tumapos sa unang puwesto sa 15-3 baraha pero kung babawiin ang apat na laro na nakasama si Koga, bababa ang San Beda sa 11-7 karta at malalagay sa ikaapat na puwesto sa Final Four.

Ang Letran na puma-ngalawa sa 14-4 baraha ang magiging number one at makakatapat ang San Beda sa semis habang ang San Sebastian na tinalo ang Perpetual sa playoff matapos magtabla sa 11-7 karta, ang number two. Ang Knights at Stags ang may mahalagang twice-to-beat advantage sa Final Four. Tiniyak ni Castellano na kikilos agad ang komite. (AT)

vuukle comment

ANG KNIGHTS

ANG LETRAN

ANG LIONS

ARELLANO UNIVERSITY

DAX CASTELLANO

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FINAL FOUR

JOSE RIZAL UNIVERSITY

KOGA

SAN BEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with