Allen binasag ang 3-pt record

MILWAUKEE -- Binasag ni Ray Allen ang record ni  Reggie  Miller para sa three-pointers  sa NBA Playoffs.

Ang ikaapat na tres ni Allen sa laro ng Miami Heat kon­tra sa Milwaukee Bucks sa Game Three ang pang 321 niya sa kanyang career na inungusan ang 320 ng na­sabing Indiana Pacers great.

Itinala ni Allen ang nasabing record sa 8:35 minuto sa laro at ginawa itong lima matapos ang ilang segundo para sa kanyang No. 322.

Pangatlo naman si Kobe Bryant ng Los Angeles Lakers sa naturang listahan mula sa kanyang 292.

Show comments