Thibodeau walang deadline sa pagbabalik ni D-Rose

CHICAGO  -- Sinabi ni Bulls coach Tom Thibodeau  na walang deadline ang team sa pagbabalik ni Derrick Rose mula sa knee injury.

Napunit ang anterior cruciate ligament ni Rose sa kaliwang tuhod sa playoff opener kontra sa Philadelphia 76ers noong nakaraang taon.

Laging sinasabi ni Thibodeau  na malapit nang makalaro si Rose ngunit hindi nila masabi kung kailan. Basta kung handa na siya ay lalaro na siya,  ayon sa coach.

Hindi pa handang lumaro ang dating MVP  nitong Huwebes kontra sa New York Knicks.

Wala rin sina Joakim Noah (right foot) at Taj Gibson (sprained left knee)  ngunit nakalaro na si  Luol Deng  matapos mawala ng dalawang games dahil sa injury sa baywang.

 

Show comments