Regalberto humataw

MANILA, Philippines - Humataw ang kaba-yong Regalberto na tumakbo noong Linggo sa Metro Turf Club, Inc. sa Malvar, Batangas.

Ang My Queen ang naunang humamon sa Regalberto na hawak ni AP Navarosa. Ngunit  panandalian lamang ang laban na naibigay ng katunggali dahil iniwan siya ng nanalong kabayo pagpasok sa rekta.

Naubos ang My Queen dahil nakaalpas pa ang She’s Gorgeous na dala ng apprentice rider na si RA Tablizo para masiyahan ang mga dehadista na nanalig sa husay ng dalawang kabayo.

Halagang P38.00 ang ipinamigay sa win ng Regalberto habang pumalo sa P357.50 ang dibidendo sa win.

Pinakaliyamadong ka-bayo na nanalo sa huling araw ng karera sa nagdaang linggo na ginawa sa bagong race track ay ang Kristal’s Beauty na tumakbo sa class division 8.

Banderang-tapos ang naitalang panalo ng kabayong diniskartehan ni JB Cordova at halos dalawang dipa ang layo nito sa Mr. Integrity sa 1,200m distansyang karera.

Dehado ang puma-ngalawang kabayo na hawak ni JB Bacaycay tu-ngo sa P44.00 dibidendo sa 3-2 forecast habang ang win ay mayroong P6.00 na ibinigay.

Dominado naman ng Big Leb ang 3YO Condition A-B na pinaglabanan sa sprint distance na 1,000-meters.

Pumangalawa lang ang Sparkling Rule na hawak ni Zarate at ang win ay mayroong P9.00 habang P87.50 ang 4-3 forecast.

Show comments