Zombie Family (374)

Gilda Olvidado (Pang-masa) - March 8, 2020 - 12:00am

May problema siya.

Paano kung tulad ng madalas mangyari, mauunang dumating ang sekretarya?

Hindi naman talaga totoong magkakilala sila.

Maari siyang masita nito kapag wala siyang maisagot na tama.

Pagdating ng boss, si Jose Comendador, hindi niya ito maaring makaharap dahil tiyak na haharangin siya ng sekretarya kapag wala siyang masabing tama sa pagpapakilala niya.

Pero hindi naman nag-panic si Leilani.

Sa mga kagipitan, sanay na sanay na rin siya. Wala nang kinatatakutan dahil siya na mismo ang pinagkakatakutan.

May dumating na nga.

Alam na niya kaagad na ito ang sekretarya dahil sa kanyang pag-research ay may picture naman siyang naka-post.

Disente siyang ngumiti rito.

Magalang naman ito. “Yes, Ma’m? Ano ho ang kailangan ninyo?”

Tumayo si Leilani, bumuwelo.

Hindi na siya puwedeng magpatumpik-tumpik pa sa pagpatay at pagkain sa utak ng sekretarya.

Dahil baka maya-maya lang, magdadatingan na ang iba pang mga empleyado.

Kailangan na niyang makain ang utak at mailigpit na rin ang katawan nito doon sa stockroom.

At bahala na siyang humarap mamaya sa CEO sa loob ng private office nito.

Agad niyang nabutas ang bumbunan ng sekretaryang ni hindi naka-ek.  Tulad kanina sa janitress, kanya ring napigtal ang lahat na utak sa loob ng bao ng ulo ng sekretarya.

Hinila niya ang sekretarya sa loob ng stockroom matapos tadyakan ang pinto.

Nagulat din siya sa lakas niya.

Kahit pala sa anyong napakaganda, may ma­tindi pa rin siyang lakas. Lalo siyang humanga sa sarili niyang Diyos.

Wala siyang pakialam masama man ito.

Ang importante, may kakampi siya.

Sa stockroom na rin niya kinain ang malaking utak na nasa kanyang palad lang. ITUTULOY

ZOMBIE FAMILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with