Overacting na magulang

May bagong bansag sa mga magulang ngayon bilang helicopter o pushy na parents dahilan sa ayaw nahihirapan ang mga anak. Sobrang overacting na magulang na ayaw nasasaktan ang mga anak.

Ang tendency ay ma­ging OA ang reaksyon sa buhay ng mga anak. Ginagawang robot ang bata, pinaliliit ang mundo ng anak, sobrang makapagbigay rin ng pressure hindi lamang para ma-achieve ang mga performance ng grades ng bata. Kundi pati na rin sa personal na buhay ng anak. Ang malas, hindi hinahayaan ang anak ma­ging malaya. Kundi may matra si mader at pader na hindi papadanas  sa anak ang mga pinagdaan ng magulang. Kaya pati ang bata ay hindi sanay na mabigo o madismaya.

To the rescue agad si nanay na bumabalik pa talaga ng school kapag may naiwan na gamit, project, o baon ang anak. Ang katuwiran din ng magulang na sila ay la­ging tama. Nanunugod pa ng teacher o friends kapag feeling na unfair ang treatment sa anak.

Ayon sa mga experts, importante sa anak kung paano i-deal ang pagkadismaya at ipahayag ang kanilang emosyon. Mas mainam na hayaan ang anak na mabigo, magkamali, at ma-reject upang sa sarili nitong proseso ay matuto para sa susunod na pagkakataon ay alam na ng anak ang kanyang gagawin. Sa halip na habang buhay na nakaangkla o umaasa ang anak sa kanilang magulang kahit may sarili nang pamilya.

Show comments