Cat village sa Taiwan, milyun-milyon ang mga taong bumibisita!

Sa bayan ng Houting sa northern Taiwan, matatagpuan ang tinagurian nilang ‘cat village’ kung saan mahigit 200 pusa ang nakatira.

Ang dating bayan ng minahan ay dinarayo na ngayon ng milyun-milyong turista kada taon dahil sa mga pusa. Isa rin kasi ito sa mga sikat na tourist destination sa Taiwan.

Mula Taipei, kailangan mong sumakay ng tren papuntang Houting station. Mahigit 40 minutes ang biyahe nito.

Pagdating mo pa lang sa station ay makikita mo na ang mga nagkalat na pusa. Sa daanan, sa sanga ng puno, sa mga upuan at kung saan-saan pa.

Para sa cat lovers, isa itong paraiso.

“There’s nothing like this for cat lovers, It’s the best place I’ve been on this trip,” kuwento ng isang studyante mula Japan na nandoon para magbakasyon.

Simula noong 1920’s, noong ang Taiwan ay nasa ilalim pa ng Japanese colonial rule, mahirap na bayan lamang talaga ang Houting. Pero mabilis na bumaba rin ang populasyon doon dahil na rin sa pagsasara ng minahan noong 1990. Habang ang mga tao ay pabawas nang pabawas, ang populasyon naman ng mga stray cat ay parami nang parami. Mga naiwanan kasi ito ng mga residente roon.

 

Show comments