Paano Kokontrahin ang Kamalasan ng Toilet?

Part 2

Kung ang toilet ay nasa NORTH, ang epekto ay kawalan ng trabaho o may trabaho man ay hindi ka maligaya sa iyong career. Iwasang gumamit dito ng kulay blue, black or purple. Magsabit sa toilet ng 5-rod hollow windchime. Sa tapat ng pinto ay magsabit ng batong tinalian ng pulang ribbon para makontra ang anumang negative effect.

Kung ang toilet ay nasa SOUTHWEST, ang negative effect ay sa relasyon ng mag-asawa or mahihirapang mag-asawa ang sino man single na nakatira sa nabanggit na tahanan. Maglagay ng Chinese bamboo plant sa loob ng toilet para mahigop nito ang bad vibes. - Itutuloy

Show comments