Binyag ng katapangan sa Brazil

Kakaiba ang initiation rights sa Brazil upang subukan ang katapangan ng mga binatilyo. Para lamang patunayan ang tapang at lakas ng mga kabataang lalaki.

Sa Satare mawe tribe ay hinahayaan ng mga matatanda ang mga batang lalaki na ilagay ang kanilang mga kamay sa isang basket na punung-puno ng mga langgam.

Bale ba, ang ritual ay ginagawa sa mga nagbibinatang lalaki bilang binyag. Kaaliw ang proseso na manghuhuli ng mga langgam mula sa mga dahon o puno na pagsasamahin sa isang basket o gloves na puno ng mga bullet ants. Saka ilalagay ng lalaki ang kamay sa basket o isusuot ang gloves ng five minutes o mas matagal pa habang pinuputakti o kinakagat ito ng mga langgam.

Pinapagayagan ng mga magulang ang ganitong ritual upang mapabilang sa tribo ng matatapang na lalaki ang kanilang mga anak.

Show comments