Sariling tradisyon ng pamilya
(Pang-masa) - November 20, 2019 - 12:00am

Ang bilis ng panahon na halos dalawang linggo na lang ay papasok na ang buwan ng December. Si­yempre nakaka-excite ang masayang selebrasyon ng holiday season na simula na ng mga practice para sa presentation sa Christmas party, pagkaka-carolling, o ibang event. Iniisip na ang mag-shopping, plus ang paparating na bisitang kamag-anak, at ang budget ng pamilya para sa kapaskuhan.

Sa totoo lang ay nakaka-pressure at stressful nang isipin na wala pa man ang bonus ay parang kulang pa rin. Pero tandaan, ang pinagmumulan ng stress ay ang pag-cramming na kung kailan last minute ay saka lamang kumikilos at nagkukumahog na mag-shopping at magplano. Nakikiuso pa sa sigawan ng kultura sa paligid na “the more the better” na akala mo ay laging maraming pera na pagkatapos naman ng holiday ay butas na ang bulsa. 

Sa halip na tingnan ang kalendaryo sa rami ng schedule na gagawin at gagastusin, bakit hindi unahin ang personal na oras, maglaan ng panahon sa asawa at mga anak. Saka magplano na gawing simple lamang ang sariling tradisyon. Isipin kung kailangan ba tala­gang makipagbonggahan pa ng dekorasyon at handaan sa kapitbahay. Kundi maging determinado na gawing simpleng regalo at handa lamang ang bilhin para sa mahal sa buhay at bisita. Upang makatipid at makaipon pa rin ng pera.

PAMILYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with