Tanungin ang Sarili
MOVE ON NA TEH! - Miss Violet (Pang-masa) - October 25, 2019 - 12:00am

Ang salitang ambivalence ay isang big word na mayroong ding ma­laking meaning. Tiyak na naram­daman ito kahit noon pa. Yung feeling na mayroong internal conflict na sense sa iyong mix emotion tungkol sa pagdedesisyon o hindi nakapag-isip ng dapat na gawin.

Naglalaban ang gut-feeling kung susundin ba ang idinidikta ng iyong instinct o hindi kahit alam mong dapat kumilos.

Maraming dahilan kung bakit nakararanas ng ambivalence na nagtatalo ang isipan tungkol sa isang object, tao, at action.

Nahahati ang goals at priority na gusto matupad. Upang hindi malagay sa alanganin, tanungin ang sarili.

Ang mga crucial na tanong ay nakatutulong para magkaroon ng tamang desisyon. Maging tapat at kailangan ay ma­ging malinaw ang mahalagang goal at priorities.

I-access ang iyong action, attitude, at behavior na naka-align sa tamang motibo. Literal na tanungin ang sarili sa mga aspeto ng kalusugan, relasyon, trabaho, pamilya, o kahit anong bagay.

Tulad ng kung bibili ng isang bagay, ang tanong ay kailangan mo ba? Kung walang pera at mababaon din sa utang, mas magandang huwag na lang. Tama ba na mag-scroll na lang sa Facebook na nauubos ang oras? Sa halip na makipagkuwentuhan sa mga anak o asawa.

Nakatutulong ba na magbigay ng totoong comments, kaysa makipag­tsismisan. Tama ba na mag-practice ng gratitude, sa halip na magpokus sa mga reklamo. Para magkaroon ng magandang mood at energy.

I-picture sa sarili sa susunod na mayroong sense of internal conflict na magkaroon ng isang survey.

Tama ba ang beha­vior, activity, o attitude na mailalabas ang best thing sa sarili o magbibigay lamang sa iyo sa anxiety o stress na hindi naman kailangan.

AMBIVALENCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with