Kaibigan Bad Influence kay Misis

Dear Vanezza,

Pinagbabawalan ako ng mister ko at iwasan ko raw ang mga kaibigan kong bad influence.Samantalang sila lang ang hingaan ng sama ng loob ko. Palibhasa ay walang friends ang mister ko kaya hindi niya alam ang halaga ng kaibigan sa buhay. Ano ba ang gagawin ko? - Michelle

Dear Michelle,

Kausapin ang iyong mister at itanong kung ano ang ayaw niya at saka ito puwedeng ituwid kung mali. Ipaliwanag kay mister ang halaga ng friends mo at ipagtanggol sila. Pero kung pagsisimulan ito ng inyong away mabuting si mister ang iyong panigan.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments